Home / Lifestyle / Lalaki, sugatan matapos bugbugin ng nakabanggaang rider

Lalaki, sugatan matapos bugbugin ng nakabanggaang rider

MAYNILA – Sugatan ang isang lalaki matapos bugbugin nang nakabanggaang motorcycle rider sa Santa Cruz, Maynila Huwebes ng gabi.

Kuwento ng biktima, maghahatid sana siya ng kaibigan sakay ng pulang kotse nang mangyari ang aksidente.

Patawid na sila mula Fugoso St. nang makasalpukan ang motorsiklo na binabaybay ang Rizal Ave.

Sa lakas ng banggaan, tumilapon ang rider at muntik pang tamaan ang isang bata sa sidewalk.

Tumayo ang rider pero may hawak na itong baril. Bubuksan pa lang ng biktima ang kaniyang pinto pero agad siyang sinugod ng rider.

Sinuntok siya ng rider habang nagmumura at pinagsisira ang salamin at side mirror ng kotse.

"Right now medyo nahihilo pa ako gawa nung impact noong sinuntok ako sa ulo," aniya.

Hindi naawat ng rumespondeng taga-barangay ang nag-amok na rider dahil may dalang baril.

"Kung walang baril, aawatin namin," ani Dominador Regala ng Barangay 335, Zone 33.

Itinayo ng rider ang kaniyang motorsiko at umalis sa lugar. Inaalam pa ang pagkakakilanlan nito sa tulong ng CCTV.

Ayon naman sa barangay, madalas ang aksidente sa lugar dahil hindi gumagana ang mga traffic light.

Desidido namang maghain ng reklamo ang biktima. – ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*