Home / Entertainment / Lea Salonga, tiwala sa kakayahan ni Catriona Gray sa Miss Universe

Lea Salonga, tiwala sa kakayahan ni Catriona Gray sa Miss Universe

MAYNILA – Positibo ang Broadway Diva na si Lea Salonga na masusungkit ni Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray ang pang-apat na Miss Universe crown.

Ayon kay Salonga na minsan na din naging bahagi ng mga hurado sa Miss Universe pageant noong 2011, maganda ang kanyang mga naririnig na komento para sa present Miss Universe Philippines.

"I didn't see her in Binibi (Binibining Pilipinas), and I've not looked at her interviews but from people who have worked with her, they all say that she has a chance kasi nga matalino and magaling sumagot. It's not just her physical beauty. May utak daw talaga 'yung bata. So if that's the case, then you have the chance," bungad ng Broadway Diva sa launching ng kanyang "Bahaghari" album.

Dagdag pa ng Tony Award winning singer-actress: "Kasi ano naman 'yung ganda mo, if there's nothing behind so I'm hoping with Catriona there is something behind her."

Kung tatanungin naman kung sa palagay ba niya ay nakakatulong ang Pinoy judges sa Miss Universe pageant para sa mga Pinay candidates, sagot niya: "It doesn’t really matter and if you put a Filipino judge, that’s really objective and it really won't matter, because they're gonna look at everybody."
 
"The thing that I found, when you really look at all the women up close iba ‘yung dating sa TV, iba 'yung dating as live. Mayroong mga kandidata na habang tumatagal ang gabi, paganda ng paganda and ‘yung mga nananalo for me," pahayag pa niya.

Sa darating na Disyembre 17, mapapanuod ang exclusive telecast ng Miss Universe 2018 sa ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*