Home / Entertainment / LizQuen, inaming nakararanas ng 'sepanx' sa nalalapit na Bagani finale

LizQuen, inaming nakararanas ng 'sepanx' sa nalalapit na Bagani finale

Bago pa ang nalalapit na finale ng "Bagani" ay nakararanas na umano ng "sepanx" o separation anxiety sina Enrique Gil at Liza Soberano. 

Pagkatapos kasi nito, hiwalay na muna sila ng mga proyekto.

Aminado naman si Gil na naging challenging ang pagganap niya bilang si Malakas.

"This is the most challenging show I've ever done kasi puro exterior shots. All the scenes are intense…The feel of it is sinaunang panahon so it is very new to us," aniya. 

Di pa man tapos ang palabas, tutok na rin si Soberano sa paghahanda sa shooting ng susunod niyang role. 

Kaya naman kita na pumayat ang aktres sa walang humpay niyang training para bigyang buhay ang iconic role na "Darna."

"It's one of my motivations to work harder and to do the workouts even though I'm so tired or I barely get some sleep sometimes," aniya. 

Posible naman makasama ni Gil ang kapwa-Kapamilya hearthrob na si Daniel Padilla sa kaniyang susunod na movie project. 

May hiwalay man na project, inihayag na ng LizQuen na may nakalinya na silang Valentines' film at teleserye. 

Nagpasalamat din ang tambalan sa patuloy na suporta para sa Bagani na magwawakas na sa susunod na linggo. 

—Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Entertainment

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*