Home / Lifestyle / Mag-asawa, timbog sa droga sa Maguindanao

Mag-asawa, timbog sa droga sa Maguindanao

Nakuha ang nasa P100,000 halaga ng ilegal na droga sa isang mag-asawa sa Maguindanao nitong Martes ng umaga. Larawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency-Autonomous Region in Muslim Mindanao

Arestado ang isang mag-asawa matapos mahulihan ng droga sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nitong Martes ng umaga.

Hinalughog ang bahay ng mag-asawang Kutin Guiamel at Jenny Abdullah sa bisa ng search warrant ng 12th Judicial Region ng Regional Trial Court Branch 13 sa Cotabato City dahil sa pagkakasangkot umano sa kalakalan ng ilegal na droga.

Ayon sa PDEA, nasa 20 gramo ang natagpuang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P100,000.

Maliban dito, narekober ang isang submachine gun, dalawang magazine na may 40 bala, drug paraphernalia, at bank documents.

Kabilang sa listahan ng high-value targets ng PDEA-ARMM ang mag-asawa na pareho umanong miyembro ng isang drug group.

“Base sa information namin, part sila ng drug group operating in Cotabato City nearby municipalities ng Datu Odin, Guindulungan, Talayan and Talitay. Malaki iyung area of operation hanggang South Cotabato sa Tacurong,” ani PDEA-ARMM Director Juvenal Azurin.

“Ang info natin ang drug group na to galing pa Metro Manila ang items. Minsan lang sila doon sa bahay na nahuli natin sila dahil naka base daw talaga sa municipality ng Talitay.”

Itinanggi naman ng nahuling lalaki na sangkot silang mag-asawa sa kalakalan ng ilegal na droga.

Aniya, kaya lang sila nagpapalipat-lipat ng lugar dahil tatlo ang asawa niya.

Isa ay residente ng Lambayong, Sultan Kudarat, isa mula sa Dalican, Datu Odin Sinsuat, at ang isa naman ay residente ng Talayan, Maguindanao.

“May mga tao lang siguro na sinisiraan ako pero hindi naman totoo yan, wala akong alam dyan,” ayon sa lalaki.

Nakakulong na sa selda ng PDEA-ARMM ang mag-asawa.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunition ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*