Home / Entertainment / ‘Mahal ko siya, pero…’: Carlo Aquino, inaming pinaasa si Angelica

‘Mahal ko siya, pero…’: Carlo Aquino, inaming pinaasa si Angelica

MANILA — Diretsahang tinanong si Carlo Aquino kung pinaasa niya lang ba ang dating nobyang si Angelica Panganiban sa naging pagbisita niya sa “Tonight With Boy Abunda” kasama ang leading lady niya sa pelikulang “Isa Pa With Feelings” na si Maine Mendoza.

Ipinaliwanag ni Carlo kung ano ang nangyari sa kanilang relasyon.

“Oo, mahal ko siya, pero parang mas gusto ko ng mas friends kami. Natatakot lang talaga kasi ako na masaktan siya ulit,” ani Carlo.

Pag-amin din ni Carlo, may kinalaman rin sa nangyari sa kanila ni Angelica si Trina Candaza.

“Kasi na-meet ko si Betrina bago nag-start ‘yung movie, tapos biglang hindi kami nagkita ng ilang buwan. Tapos after nung movie nag-reconnect kami,” ani Carlo.

Nang direktang itanong kung nobya niya si Trina, sagot ni Carlo: “Yes.”

Sa nakaraang panayam kay Angelica, sinabi nitong “hindi nag-e-exist” sa kanyang buhay si Carlo.

Nang tanungin ng host na si Boy Abunda si Carlo kung naging patas ba si Angelica nang sabihin ito, tugon ng aktor: “Opo. Kung nasaktan ko siya nang ganoon, karapatan niya ‘yon. Karapatan niyang pagdaanan, karapatan niyang maramdaman ‘yon. At hindi ko dapat pigilan ‘yon. Kaya nung sinabi niya ‘yon at nakarating sa akin sabi ko ay okay lang naman.”

Mapapanood si Carlo at Maine sa pelikula ng Black Sheep na “Isa Pa With Feelings” simula ngayong Oktubre 16. 

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*