Home / Entertainment / Marjorie, boto ba kay Joshua para kay Julia?

Marjorie, boto ba kay Joshua para kay Julia?

MAYNILA — Hindi man malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Joshua Garcia at Julia Barretto, ipinahayag naman ng ina ng aktres na si Marjorie Barretto ang kaniyang suporta sa buhay pag-ibig ng anak.

Sa premiere noong gabi ng Martes ng pelikulang "I Love You, Hater," na pinagbibidahan nina Joshua at Julia, tinanong ng ABS-CBN News si Marjorie kung boto ba ito kay Joshua para sa kaniyang dalaga.

"Kung sino mahal ng anak ko, doon ako," isinagot ni Marjorie.

Hindi naman maitanggi ni Marjorie ang chemistry ng anak at ni Joshua, sa harap man ng kamera o sa tunay na buhay.

"Sobra-sobra na nga silang dalawa. Too sweet," ani Marjorie.

"But their chemistry is undeniable off-screen and on-screen, and they worked so hard for everything," dagdag ng ina.

Sa hiwalay na panayam noong parehong gabi, sinabi ni Joshua na nirerespeto niya ang naging pahayag ni Marjorie.

"Kung ano naman talaga gusto ni Julia, doon naman din ako eh. Kung ano iyong makapagpapasaya sa kaniya, doon ako. Si Tita (Marjorie) naman, nirerespeto ko, siyempre. Kung ano iyong gusto ni Tita, siyempre susundin ko iyon," sabi ng aktor.

Nang mabanggit naman ang sobrang pagiging "sweet" ng dalawa, agad itinuro ni Julia si Joshua at ibinunyag na maging ang kanilang management ay pinagsasabihan ang binata.

"Palagi siya 'yong pinagsasabihan, kahit management," ani Julia.

"Nasosobrahan din kasi ako," sabi naman ni Joshua.

Ipinaliwanag naman ni Julia na pareho lang talaga silang affectionate ni Joshua.

"I think 'yong love namin for each other, 'yong comfortability level na namin, I guess. Siguro it just so happens na pareho kaming affectionate," aniya. — May ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Entertainment

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*