Home / Entertainment / Mga kalahok ng unang 'Your Face Sounds Familiar', nag-reunion

Mga kalahok ng unang 'Your Face Sounds Familiar', nag-reunion

MANILA — Muling nagsama-sama ang ilan sa mga artistang kalahok ng kauna-unahang “Your Face Sounds Familiar” sa “Magandang Buhay” nitong Huwebes.

Tila isang reunion ang naganap nang bumisita sina Jay R, Tutti Caringal at Nyoy Volante para sorpresahin si Maxene Magalona, na binigyan ng bridal shower para sa nalalapit nitong kasal sa fiancé na si Rob Mananquil.

Matatandaang parte rin ng celebrity competition ang mga host ng “Magandang Buhay” na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.
 
“Reunion pala ito. Grabe! Na miss ko kayo, ang saya,” ani Maxene.

Ayon naman kay Karla, kulang sila dahil nawawala ang isa pa nilang kasamahan na si Edgar Allan Guzman.

“Mayroon pa tayong isang kulang. Hindi lang nakapaghintay pumunta na sa kabilang channel. EA, alam mo ‘yan,” biro ni Karla.

Ayon sa grupo, hindi nila akalain na magiging malapit sila sa isa’t isa sa pagsabak nila sa “Your Face Sounds Familiar” noong 2015 kung saan si Melai ang itinanghal na nanalo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Entertainment

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*