
Isang "big-time" oil price hike ang tatama sa mga motorista sa susunod na linggo.
Bunsod ito ng pagtaas ng presyo ng imported na petrolyo sa world market.
Tinatayang dagdag-presyo sa petrolyo sa Martes:
- Diesel → P1.40-P1.50/litro
- Gasolina → P0.80-P1.00/litro
- Kerosene → P1.30-P1.40/litro
Maglalaro sa P1.40 hanggang P1.50 kada litro ang magiging dagdag-presyo sa diesel.
Sa gasolina, P0.80 hanggang P1.00 kada litro ang magiging pagmahal habang P1.30 hanggang P1.40 kada litro naman sa kerosene.
Ito na ang ika-9 na sunod-sunod na linggong may oil price hike.
—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.