Home / Sports / Mga person with disability kumarera sa Wheelathon sa Batangas

Mga person with disability kumarera sa Wheelathon sa Batangas

Hindi nagpatinag sa ulan ang mga person with disability na lumahok sa inorganisang Wheelathon sa lungsod ng Tanauan nitong Biyernes.

Mula Plaza Mabini, walang alinlangan nilang binagtas ang highway hanggang sa Mabini Shrine kahit paahon ang daan.

Napahanga naman daw sa lakas ng mga PWD ang residenteng si Rona Pasia na nanood mula sa kanilang bahay.

“Kahit may kapansanan nakikilahok sila sa mga okasyon na ganyan," aniya.

Isa si Leny Daz mula Rizal sa mga naunang nakatapos sa kompetisyon.

“Ipinakikita lang namin sa mga tao sa may mga kapansanan na katulad ko na hindi hadlang ang . . . bilang may kapansanan namin,” ani Daz. 

Isa raw itong friendly competition na bahagi ng ika-14 na Palarong Bayani kung saan nagtitipon ang iba't ibang samahan ng may kapansanan mula sa iba't ibang probinsya.

Sa Tanauan ito taunang isinasagawa kung saan isinilang ang bayaning lumpo na si Apolinario Mabini.

“Sa amin po ay napakahalaga itong isang araw na paglalaro namin kasi po sa isang araw na 'yun ay siyempre nagkakabuklod-buklod 'yung may mag kapansanan at naipapakita 'yung larangan sa sport,” ayon kay Fernando Santos, organizer ng nasabing palaro.

Parte rin naman ng palarong bayani ang basketball on wheels, badminton, table tennis at chess. 

Naging highlight din ng ang duyan race na sumasalamin sa duyan na naging simbolo ng kabayanihan ni Mabini.

Umaasa naman ang mga nag-organisa ng Palarong Bayani na magsilbi silang inspirasyon sa sektor ng may-kapansanan. 

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Sports

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*