Home / Lifestyle / Negosyante tinambangan sa Tondo; 2 gunmen nakasuot ng ‘PDEA shirt’

Negosyante tinambangan sa Tondo; 2 gunmen nakasuot ng ‘PDEA shirt’

Sa kuha ng CCTV, kitang nakasuot ng PDEA shirt ang dalawang gunmen na sakay ng motorsiklo. Angel Movido, ABS-CBN News

MAYNILA — Patay ang isang negosyante matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Tondo, Maynila noong Biyernes. 

Sa kuha ng CCTV ng Barangay 128, makikita ang isang SUV na sinusundan ng dalawang motorsiklo. Pagdating ng SUV sa may Rodriguez Extension, doon na nakakuha ng tiyempo ang gunmen saka pinagbabaril ang driver.

Binasag pa ng mga gunman ang salamin sa driver’s seat saka inilabas sa sasakyan ang bulagtang biktima. 

Makikitang kinuha rin ng mga gunman ang ilang gamit ng biktima sa kotse tsaka umalis. 

Sa CCTV, kapansin-pansin din na nakasuot ng PDEA shirt ang dalawang gunman.

Dead-on-arrival sa ospital ang 48 anyos na negosyanteng si Melchor Almazan na taga-Dagat Dagatan, Caloocan City.

Narekober sa crime scene ang 12 basyo ng 9 mm na baril.

“May nakausap kaming witness nakikita siya sa lugar na ‘yan several times… It’s a well-planned ambush, posibleng kilala niya mga taong ito,” sabi ni Police Lt. Col Rey Magdaluyo, hepe ng Manila Police District (MPD) Station 1. 

Sa isang pahayag naman, mariing itinanggi ng PDEA na dawit sila sa krimen at sinabing nanlilito lang ang mga suspek.

“PDEA has nothing to do with the ambush of Mr. Melchor Almazan… Obviously the suspects are merely pretending to be agents of PDEA to confuse investigators.”

Patuloy na tinutugis ng MPD ang mga gunman.

Iniimbestigahan din ng pulisya ang posibleng kaaway ng biktima o kung nasasangkot ito sa ilegal na gawain.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*