Home / Sports / OFWs, lumalahok sa sports para tumulong, iwas-homesick

OFWs, lumalahok sa sports para tumulong, iwas-homesick

Puspusan ang linggo-linggong dragon boat training ng isang grupo ng mga overseas Filipino worker sa Singapore. Pero higit pa sa medalya ang target nila. 

Target nilang makatulong sa kapwa-Pinoy. Pero gusto rin nilang maibsan ang pagka-homesick sa mga pamilyang naiwan sa Pilipinas. 

Itinatag ng mga magkakaibigang OFW ang grupong Race2Share noong 2015 para maipalaganap ang kanilang mga adbokasiya at makakolekta ng pondo para sa iba’t ibang partner organizations sa Pilipinas.

“Race2Share is a group in Singapore na nagpo-provide ng sports-based programs for everyone,” ayon kay Jen Macapagal, co-founder ng grupo. 

“We realized we could do more with sports. We initially joined races to race awareness and raise funds for organizations especially back in the Philippines,” dagdag pa niya. 

Kabilang sa grupo ang ilang household workers na naging takbuhan na ang sports para maibsan na rin ang nararamdamang homesickness.

Ilan sa mga natulungan ng grupo ang isang eskuwelahan sa Aklan, special school sa Cavite, at mga anak ng mga mangingisda sa Batangas.

— Ulat ni Migs Bustos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Sports

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*