Home / Business / P0.33/kWh dagdag-presyo sa kuryente sa Marso, maaari pang madagdagan

P0.33/kWh dagdag-presyo sa kuryente sa Marso, maaari pang madagdagan

Maaaring lumobo pa ang nakaumang na dagdag-singil sa kuryente sa Marso. 

Papatak kasi sa Marso ang inutay-utay na dagdag-singil sa kuryente na P0.33 kada kilowatt hour (kWh).

Pero maaaring tumaas pa ito sakaling sumadsad ang palitan ng piso kontra dolyar.

“Sakali man maging flat siya, plus the P0.33. ‘Yong P0.33 talagang kailangan mo nang i-apply ‘yon for March, so kung baga mayroon ka nang add-on,” paliwanag ni Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco.

Ngayong Pebrero naman sisingilin ang dagdag P0.75 kada kWh.

Kung susumahin, kabuuang P1.08 kada kWh ang dagdag-singil na hinati sa dalawang buwan.

Sa mga probinsiya, pasok na rin sa bayarin sa kuryente ang buwis sa transmission charge, pero hindi pa isinali ang dagdag dahil sa excise tax sa coal at diesel plants.

Nakaumang din ang hiwalay pang dagdag-singil na aprubado na ng Energy Regulatory Commission.

Kabilang dito ang dati pang hindi nasingil na charges na konektado sa palitan ng piso kontra dolyar at fuel ng power plants.

Nasa P16.5 bilyon ang sisingilin sa mga consumer sa Luzon, habang P12.5 bilyon naman sa Visayas.

Magkakaroon naman ng refund na P7.5 bilyong piso sa mga konsumer sa Mindanao.

— Ulat nina Alvin Elchico at Oman Bañez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Business

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*