Home / Lifestyle / P1-milyong halaga ng ‘shabu’ nasamsam sa Marikina

P1-milyong halaga ng ‘shabu’ nasamsam sa Marikina

MAYNILA—Nasamsam ng mga pulis ang halos P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Barangay Tumana, Marikina City Martes ng gabi.

Nahuli rin ang target ng operasyon na isang sidewalk vendor. Inamin niyang napilitan siyang magtulak dahil 7 umano ang kaniyang pinapaaral.

Kasama ring nahuli ang kaniyang 52 anyos na kapitbahay na nagsisilbi umano nitong drug runner.

Ayon kay Police Col. Restituto Archangel, hepe ng Marikina City police, sa suspek nanggagaling ang supply ng droga sa barangay.

Sasampahan sila ng mga reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*