Home / Lifestyle / P130,000 halaga ng droga nasamsam sa Bacolod buy-bust

P130,000 halaga ng droga nasamsam sa Bacolod buy-bust

Tatlong tao ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation noong gabi ng Linggo sa Bacolod City, kung saan nasamsam din ang P130,000 halaga ng droga, ayon sa pulisya.

Target ng operasyon umano ang tulak na si alyas "Nonoy," na nahulihang ng anim na sachet ng hinihinalang shabu sa isang bahay sa Barangay Banago, ayon sa ulat ng Bacolod City Drug Enforcement Unit.

Nakuhanan naman ng tig-isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang babae at isang lalaki na kasama ni "Nonoy" nang mangyari ang operasyon.

Itinanggi ng mga kasamahan ni "Nonoy" na nagtutulak sila ng ilegal na droga. Itinanggi rin ng babae na gumagamit siya ng droga.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

— Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*