Home / Business / Pagbebenta ng NFA rice 'di sigurado' sa pagsasabatas ng rice tarrification

Pagbebenta ng NFA rice 'di sigurado' sa pagsasabatas ng rice tarrification

Suplay ng NFA rice sa isang warehouse sa Quezon City. File Photo ni Jonathan Cellona, ABS-CBN News 

Nakaamba ang posibilidad na mawala ang National Food Authority (NFA) rice sa merkado sa susunod na taon kung maisabatas na ang rice tarrification bill, ayon sa Department of Agriculture (DA). 

Paliwanag ni DA Secretary Manny Piñol, inaalis ng panukala ang ilang kapangyarihan ng NFA, kabilang ang pagbebenta ng murang bigas. 

Kung itutuloy man ang pagbenta ng nasabing bigas, maaaring umabot sa P35 hanggang P36 ang bentahan nito para makabawi sa gastos sa pagbili ng mga lokal na palay, anang kalihim. 

"It will depend on the Rice Tarrification Bill due for signature of President Duterte if NFA will still sell rice in the market, but definitely we cannot sell at P27 o P32 anymore," ani Piñol sa isang press conference nitong Martes. 

Sakaling lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi na magbebenta ng NFA rice sa unang quarter ng 2019 kapag ubos na ang kasalukuyang stock at ang 500,000 metric tons na imported rice na darating sa bansa sa Enero, ayon kay Piñol. 

Bawal sa rice tarrification bill ang pag-angkat ng NFA ng suplay ng bigas. Kung tuloy man, galing dapat ito sa palay na bibilhin sa mga lokal na magsasaka. 

"The recommendation of the technical working group of the NFA is that if we buy locally, we have to sell the rice at about P36 per kilo so that we will not lose money," ayon kay Piñol. 

Dahil dito, ang magagawa lamang daw nila ay ang magpatupad ng suggested retail price sa commercial na bigas at mag-ipon ng buffer stock ng bigas tuwing may kalamidad. 

Pasado na sa bicameral committee ng Kongreso ang rice tarrification bill at hinihintay na lamang ang pirma ni Duterte para maisabatas na ito.

Dati na ring pinangangambahan ng ilang grupo ang dagdag-presyo sa ilang produkto dahil sa panukala. 

Sa pagtaya ng NFA, nasa 10 milyong Pilipino ang umaasa sa NFA rice para makakain. 

— Ulat nina Raya Capulong at April Rafales, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*