Home / Business / Paghahanap ng ‘panlaban’ sa Globe, Smart, aarangkada na

Paghahanap ng ‘panlaban’ sa Globe, Smart, aarangkada na

Sisimulan na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa susunod na linggo ang paghanap ng ikatlong telco na sasabak para kalabanin ang Smart and Globe.

Sa susunod na linggo ilalabas ng ahensiya ang pormal na imbitasyon upang mag-bid sa proyekto, na layong pabilisin ang internet sa bansa sa pamamagitan ng pinaigting na kompetisyon. 

Pero hindi biro ang requirements na kailangan dito.

Ang puwede lamang lumahok ay mga kumpanya na may existing congressional franchise at kayang gumastos ng P500 bilyon sa loob ng limang taon.

Ito ay para masigurong kayang makipagsabayan ng ikatlong telco sa Smart at Globe. 

Ang mga maliliit na korporasyon naman ay puwedeng maghanap ng partner, banyaga man o lokal.

Kasama nang tinitignan dito ang China Telecom, na inimbita ni Pangulong Rodrigo Duterte para mamuhunan dito.

May mga lumalabas nang pangalan na pwedeng maging ikatlong telco, tulad ng Converge ICT ni Dennis Anthony Uy ng Pampanga, PT&T ni Salvador Zamora at Benjamin Bitanga.

Pero ayon kay DICT OIC-Secretary Eliseo Rio, mukhang magiging matindi ang kompetisyon dahil susuportahan ng gobyerno ang operasyon ng mananalo sa bidding. 

Sa bilang ni Rio, 32 na telco ang puwedeng maging third player. 

“Ang masasabi ko diyan ay ang tubig na tahimik ay malalim,” ani Rio.

Plano ni Rio na mapili ng DICT ang third player bago ang Semana Santa sa Marso. 

Magkakaroon naman ng briefing ngayong Enero para maipaliwanag ng DICT ang paraan ng bidding. 

–Ulat ni Warren de Guzman, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Business

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*