Home / Lifestyle / Pagtambay sa Jones Bridge, bawal na sa 'Traslacion'

Pagtambay sa Jones Bridge, bawal na sa 'Traslacion'

Pagbabawalan ang mga deboto na tumambay sa Jones Bridge sa Maynila upang hintayin ang pagdaan doon ng Itim na Nazareno sa “Traslacion” sa Martes, sinabi ng isang opisyal ngayong Linggo.

“Kaya naman niyang (tulay) i-withstand ang weight ng mga tao. Pero ngayon, mayroon tayong binagong regulaton — na walang mag-iistambay. Puwedeng daanan, pero walang istambay muna doon sa bridge,” sabi sa DZMM ni Johnny Yu, direktor ng city disaster office.

“Ang mangyayari niya, bago dumating ang andas, wala nang nakaistambay sa bridge. Pagdaan ng andas, saka nila bubuksan iyan para tuloy-tuloy ang takbo ng andas,” dagdag niya.

Ngayong Martes, idadaos ang prusisyon ng Itim na Nazareno mula Quirino Grandstand patungong Quiapo Church.

Nakapuwesto na aniya ang 26 medical station sa ruta ng Traslacion, banggit ni Yu. Nasa 500 deboto aniya ang nakararanas ng heat stroke, pagod at stress sa prusisyon kada taon.

DZMM, 7 Enero 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*