Home / Sports / Palarong Pambansa: Duterte, itinuturing ang atletang Pinoy na susunod na lider ng bansa

Palarong Pambansa: Duterte, itinuturing ang atletang Pinoy na susunod na lider ng bansa

Sinalubong ng rehiyon ng Ilocos ang mga atleta mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2018 sa Quirino Stadium, Bantay, Ilocos Sur Linggo. Mark Demayo, ABS-CBN News

ILOCOS SUR — Sa ikalawang pagkakataon, muling pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng taunang Palarong Pambansa kung saan binigyang diin nito ang magiging gampanin ng mga kabataang atletang Pilipino sa hinaharap. 

Sa harap ng libo-libong manlalaro mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas sa Quirino Stadium, ipinaalala ni Duterte na magsisilbi ang Palarong Pambansa bilang daan upang mahubog ang maaaring maging susunod na mga lider ng bansa.

“More than just a showcase of Filipino youth’s talents and skills for sports, Palarong Pambansa serves as a training ground for future leaders and nation builders whose values and principles are founded on perseverance, discipline, teamwork, integrity and love of country,” ani Duterte.

Ayon sa Pangulo, paraan din ang Palaro upang ilayo ang kabataang Pilipino sa pagkakasangkot sa kriminalidad at pagkalulong sa droga.

Ibinida ni Duterte ang patuloy na kampanya ng administrasyon kontra sa mga sakit ng lipunan upang masiguro ang maayos na kinabukasan sa mga kabataan.

“Sports serves as an avenue to divert the youth from illegal drugs, criminality, and other lawless acts. We, in government, continue our campaign to eradicate social ills to ensure a safe and progressive tomorrow for you and for the next generation,” pahayag ni Duterte.

Patuloy din aniya ang suporta ng gobyerno sa pagpapabuti ng isport sa bansa lalo na sa mga atletang lumalaban sa labas ng Pilipinas.

“Rest assured that this administration will never stop working hard to make the Philippines a better nation.”

Binigyang pugay din ng Presidente ang mga probinsya sa malalayong rehiyon ng bansa sa pagpapadala ng mga atleta sa Palarong Pambansa na nagpapatunay ng kanilang hangaring maging mahusay sa isport.

“The fact that you are here with us today is enough proof of your determination and excellence in chosen sports that makes all of you winners and champions already,” sabi ni Duterte.

Hindi rin nakaligtaan ni Duterte na muling ipaalala sa mga batang atleta na magsikap ding maging mahusay sa pag-aaral.

Ito aniya ang huhubog sa kanilang abilidad na bumalanse ng oras at pumili ng tamang desisyon na magagamit nila sa pagdami ng kanilang magiging responsibilidad sa susunod na mga taon.

Magtatagisan ng galing ang mga atletang Pilipino sa higit na 20 laro sa Ilocos Sur na tatagal hanggang sa Abril 21. 

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Sports

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*