Home / Sports / PBA: Maaga mang napauwi sa Governors’ Cup, San Miguel ‘proud’ pa rin

PBA: Maaga mang napauwi sa Governors’ Cup, San Miguel ‘proud’ pa rin

Maaga mang natapos ang kampanya ng San Miguel Beer sa PBA Governors' Cup, wala dapat umano itong ikahiya, ayon sa kanilang head coach.

"You win some, you lose some," ani Leo Austria sa press conference matapos tambakan ng Alaska ang Beermen 96-85 sa kanilang quarterfinals nitong Miyerkoles. 

"I’m still proud of the team. Kasi in the last 4 years, 12 conferences, we’ve been in the Finals 7 times, and won 6 championships. I think we have nothing to be ashamed of."

Kahit masmababa ang record ng San Miguel (6-5), may mga naniwalang kaya ng tropa ni Austria na lagpasan ang Alaska (8-3) sa pagbabalik ni June Mar Fajardo at patuloy na paglakas ng laro ni Christian Standhardinger.

Ngunit sinamantala ng Aces ang bentahe nila sa chemistry at pagdomina ni Mike Harris (25 points, 17 rebounds) para tapusin ang taon ng Beermen.

"Well, I think everybody’s expecting us that we’ll get into the next round. We failed to do it," pahayag ni Austria. 

"Congratulations to Alaska. They are deserving to win this quarterfinals."

Samantala, labis ang tuwa ni head coach Alex Compton sa unang panalo ng Aces sa ilalim ng kaniyang pamumuno kontra Beermen.

"Am I happy that we beat San Miguel? Absolutely. I'm ecstatic, thrilled," ani Compton, na haharapin sa semifinals ang mananalo sa serye sa pagitan ng Meralco at Phoenix.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*