Home / Sports / PBA: Tim Cone, kumpyansang magse-step up si Caguioa ngayong playoffs

PBA: Tim Cone, kumpyansang magse-step up si Caguioa ngayong playoffs

Pinatunayan ni Mark Caguioa na may ibubuga pa siya sa loob ng court, lalo na kung kailangan ng Ginebra ng sinasabing spark off the bench. PBA Media Bureau

Inaasahang magiging malaki ang papel ni Mark Caguioa para sa Barangay Ginebra sa mga susunod na laban nito sa 2019 PBA Commissioner’s Cup playoffs.

Ipinakita ni Caguioa ang kaniyang kahalagahan sa 106-80 na panalo ng mga defending champion kontra Magnolia ngayong Martes, resultang tumulak sa Gin Kings sa semifinals.

Sa loob lang ng 14 minutes, tumabo ng 12 points si “The Spark” na may 5-of-5 field-goal shooting kasama ang 4 na rebound.

“Mark’s fine. It’s just great to have him on this team. He really lives up to his moniker ‘The Spark,’ the way he comes out,” ani Ginebra head coach Tim Cone sa artikulong lumabas sa ABS-CBN Sports.

“He knows where to pick his spots in the offense and I have just complete confidence putting him out there. We don’t lose a lot when Stanley leaves the floor. He can take up the scoring that Stanley lends to us and then . . . so it was good.”

Magandang paghahanda raw ito para sa dating Most Valuable Player lalot ang ilang player niya ay nasa injury list tulad nina Jared Dillinger, Jeff Chan at Art dela Cruz.

“Mark, I think, will be big in this playoffs, especially we don’t have Jeff, Jared and Art so it’s really incumbent for Mark to step up and fill the void for us. And he’s certainly capable,” ani Cone.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*