Home / Lifestyle / Pekeng SEA Games admin staff timbog sa Makati

Pekeng SEA Games admin staff timbog sa Makati

Nakasuot ang suspek ng pink na T-shirt na uniporme umano sa 30th SEA Games. ABS-CBN News

MAYNILA—Inaresto ng mga pulis sa Makati City ang isang lalaki na nagpanggap na empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) at admin staff ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Inireklamo ang 48 anyos na suspek matapos siyang mag-alok ng trabaho sa ginaganap na palaro kapalit ng pera.

Kuwento ng isang biktima, inalok siya ng suspek na maging driver ng 8 araw na may bayad na P20,000, pero hiningan muna siya ng P350 para sa medical examination.

Suot pa ng suspek ang uniporme umano sa 30th SEA Games. May tatak itong admin staff at may kasama pang ID.

Bukod sa trabaho, nag-alok pa umano ang suspek ng matutuluyang paupahan.

“Ang dami niyang kinuhang pera. Katulad ko P10,000 ang kinuha niya. One month advance, one month deposit,” kuwento ng isang biktima.

Karamihan sa kanila ay biktima ng sunog sa Barangay San Isidro, Makati City at pansamantalang nanunuluyan sa barangay hall.

Nang hindi pa rin nakalilipat ang mga residente sa ipinangakong paupahan ng suspek, dito na sila naghinala at nagsumbong sa mga awtoridad.

Nahuli ang suspek habang suot ang kaniyang sinasabing uniporme sa SEA Games bilang admin supervisor umano.

Depensa niya, may pinagdadaanan lang siya kaya nagawa ang panloloko. Sasampahan siya ng kasong swindling at estafa.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

2019 SEA Games

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*