Home / Lifestyle / Pulis binaril sa QC

Pulis binaril sa QC

MAYNILA – Binaril Huwebes ng gabi ng hindi pa kilalang salarin ang isang pulis sa Barangay Tatalon, Quezon City.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Supt. Edgardo Cariaso, 50 anyos, na nakadestino sa Internal Affairs Service (IAS) ng Camp Crame.

Sa kuha ng CCTV ng barangay, kakababa lang ng sasakyan ng biktima nang bigla siyang lapitan ng isang lalaking nakasombrero at binaril. Mabilis na tumakas ang lalaki sakay ng nakaabang na motorsiklo.

Agad dinala sa ospital si Cariaso at inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaslang. – ulat nina Jeck Batallones at Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*