Home / Entertainment / Puntod ni ‘horror queen’ Lilia Cuntapay, maayos na

Puntod ni ‘horror queen’ Lilia Cuntapay, maayos na

Kuha ni Marvin Agustin

ILOCOS NORTE—Matapos ang 3 taon mula nang pumanaw ang “horror queen” ng pelikulang Pilipino na si Lilia Cuntapay, may pintura at lapida na ang kaniyang puntod sa Pinili, Ilocos Norte.

Kuwento ng anak nitong si Gilmore, napabayaan noon ang himlayan ng ina dahil sa kakulangan ng pera.

“Sa ngayon nalagyan ko na ng lapida. Ang aming mayor na si Rommel Labasan, kumuha ng mga trabahador, pinalinis ang paligid ng puntod at tapos ay pininturahan,” aniya.

Nagpapasalamat si Gilmore sa pamahalaan ng Ilocos Norte at bayan ng Pinili.

“Malaki ang naging kontribusyon niya sa bayan at para rin makita na sa huling hantungan niya ay maganda,” ani Pinili mayor Rommel Labasan.

Pumanaw ang “horror queen” noong 2016 matapos siyang magkasakit sa spinal cord.

Pahayag ni Gilmore, nangungulila pa rin siya sa ina at sana man lang daw ay magparamdam katulad ng mga karakter niya sa pelikula.

“Kahit magparamdam lang pero wala talaga eh at ibig sabihin nito ay wala siguro kaming kasalanan sa kaniya,” aniya.

Para kay Gilmore, higit 3 dekada man niyang hindi nakapiling ang ina pero mabuti at mapagbiro raw ito, malayo sa mga karakter nito sa pelikula.—Ulat ni Grace Alba, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*