Home / Lifestyle / Residenteng nasiraan ng bangka sa dagat, nasagip sa Palawan

Residenteng nasiraan ng bangka sa dagat, nasagip sa Palawan

TAYTAY, Palawan – Nasagip Huwebes ng gabi ng Philippine Coast Guard (PCG) at mga tauhan ng isang resort sa bayang ito ang isang lalaki na ilang oras nagpalutang-lutang sa dagat.

Pasado alas-2 ng hapon nang umalis sa Barangay Batas, Taytay si Rodrigo Gio, 34 taong gulang. Papunta sana ito sa Barangay Poblacion pero nasiraan ito ng makina ng bangka sa bahagi ng Tecas Island.

Ilang oras itong nagpalutang-lutang sa dagat at dahil sa lakas ng agos ay napadpad ito sa malalim na parte ng dagat.

Bandang alas-8 ng gabi, tumawag ang kaanak ni Gio sa PCG at humingi ng tulong.

Agad nagsagawa ng joint rescue operation ang Coast Guard at security personnel ng isang resort.

Nasa maayos namang kalagayan si Gio nang mailigtas.

Paalala ng Coast Guard sa mga naglalayag, ugaliing suriin ang mga bangka at makina bago umalis para makaiwas sa aberya.

Kapag nasa dagat na at nagkaroon ng aberya, agad umanong makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng PCG, lokal na pamahalaan at pribadong sektor.

Mainam rin umanong ugaliing mag-iwan ng numero sa mga kaanak, at magbilin na kapag hindi sila makarating sa nakatakdang oras ay tumawag sa pinakamalapit na ahensiya.

Dagdag pa ng Coast Guard, huwag umanong balewalain ang mga information education campaign na isinasagawa ng mga awtoridad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*