Home / Entertainment / Ria Atayde, may 'sepanx' din sa 'My Dear Heart'

Ria Atayde, may 'sepanx' din sa 'My Dear Heart'

Hindi napigilang maging emosyonal ni Ria Atayde nang alalahanin ang mga masasayang sandali niya kasama ang cast ng ‘My Dear Heart’ na nasa huling dalawang linggo na nito. 

Ikinuwento rin niya ang planong magbakasyon kasama ang kapatid na si Arjo Atayde, pati na ang pagpapatuloy ng kanyang pangarap na maging beauty queen. 

Bibida rin siya sa pelikulang ‘Can We Still Be Friends?’ kasama sina Arci Muñoz at Gerald Anderson.

Carefree at free-spirited daw ang karakter na gagampanan ni Ria dito sa kanyang unang pelikula. 

Sa nalalapit na pagtatapos ng ‘My Dear Heart’, hindi napigilang maluha ni Ria Atayde nang balikan ang mga magagandang alaala at masasayang bonding moments nila ng cast. Pinakamalaking showbiz break din ni Atayde ang nasabing serye. 

“The show is very close to my heart. Sobra! I’m just grateful to the show. Sobrang laking naitulong nio sa akin. Sobrang grateful talaga. Sobrang nakaka-overwhelm pa rin hanggang ngayon that I’m slowly achieving my dreams,” ayon kay Atayde. 

Ngayon pa lang, pinaplano na raw ni Ria ang engrandeng bakasyon kasama ang kapatid na si Arjo Atayde. Dinamdam din daw kasi ni Arjo Atayde ang pagtatapos ng karakter niyang si Joaquin sa ‘Ang Probinsyano’.

“Siya ‘yung nagse-sepanx. Imagine, 2 years niyang ginawa ‘yun, so attached siya sa character, so now he’s trying to detach. We’re going to travel as soon as I’m done. Iyak siya nang iyak e. Kawawa,” aniya. 

“Plano namin ni Arjo, since we watched ‘Dear Other Self’, we’ll go to Bangkok, Balesin, Hong Kong, and Korea dahil adik ako sa K-drama,” sabi ni Ria. 

Balak din ni Ria na ituloy ang pagsali sa Miss World. 

Aniya, kung maaabot niya ang kanyang goal weight, itutuloy niya ang pagsali sa Hulyo. Kung hindi naman, sa susunod na taon na lamang daw. 

Tuloy-tuloy pa rin siya sa madalas na pagwo-workout sa gym. 

— Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Entertainment

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*