Home / Entertainment / Ritz Azul, bibida sa pelikula kasama si Edgar Allan Guzman

Ritz Azul, bibida sa pelikula kasama si Edgar Allan Guzman

MANILA — Pahinga muna sa sexy roles si Ritz Azul na mapapanood sa isang bagong pelikula kasama si Edgar Allan Guzman para sa CineFilipino Film Festival sa susunod na buwan.

Sa panayam ng Push TV, ibinahagi ni Azul ang ilang detalye tungkol sa kanyang ginagawang proyekto na may working title na “Mata Tapang.”

“Well this year, wala pang sexy roles. May ginagawa akong indie film ngayon with Edgar Allan Guzman. Medyo comedy rin siya. Abangan na lang nila. Ano naman dito wholesome naman,” Azul said.

Ayon kay Ritz, ang pelikula ay base sa isang tunay na pangyayari tungkol sa isang sundalo. 

“Based siya sa true story ng director namin at writer na si direk Rod Marmol. Kasi ang father niya ay nabulag dahil sa service, sundalo siya. Ganun din ‘yung story ng indie film. Naging comedy siya dahil may nakikita siyang iba, kasi siya lang ‘yung naligtas doon sa friends niya. So ‘yung journey nila, ‘yun ‘yung comedy,” ani Ritz.

Noong nakaraang taon ay bumida sa seryeng “The Promise of Forever” si Ritz kasama naman si Paulo Avelino.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Entertainment

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*