Home / Entertainment / Roxanne Barcelo, napaiyak dahil sa yumaong ama

Roxanne Barcelo, napaiyak dahil sa yumaong ama

MANILA — Hindi napigilan ng aktres na si Roxanne Barcelo ang maging emosyonal nang maalala nito ang kanyang ama na pumanaw ilang buwan lamang ang nakaraan sa Estados Unidos.
 
Sa “Magandang Buhay” nitong Martes, naalala ni Roxanne ang ama nang mapag-usapan ang tungkol sa tulong ng kanyang mga magulang sa mga panahong bigo siya sa pag-ibig. 

“Napakalaking tulong talaga na very close talaga ako sa nanay at tatay ko. Ang tatay ko most especially he really goes through the process with me. Hindi ako nahihiyang tumawag sa kanya minu-minuto tuwing kailangan ko talaga ng advice. He would ask me the best questions. It’s been over 60 days noong namatay ang tatay ko pero nagpapasalamat talaga ako sa kanya,” ani Roxanne na tuluyan nang napaiyak.

“Kasi ginawa niya talaga ang lahat para tulungan ako na ma-heal kada heartbreak. Ang nanay ko grabe rin magbigay ng hope sa akin. So ako, lahat ng heartbreak ko in my past balewala noong namatayan ako ng ama. Doon ko na talaga nasabi sa sarili ko, wala nang mas masakit pa. Wala akong regrets. Sabi ko nga sa kapatid ko hindi tayo ‘yung mga anak na hindi minahal. Tayo ‘yung mga anak na ibinigay ang lahat sa atin. So ngayon hindi ko na naiisip ang hearbreak sa jowa. Ang iniisip ko ay kung paano mag-heal from this,” ani Roxanne.

Sa kabila nang pinagdaanan, excited si Roxanne sa ibibigay niyang pagmamahal para sa kanyang “the one.”

Aniya, naniniwala siya sa totoong pag-ibig dahil nakita niya ito sa kanyang mga magulang.

“I’m excited to love kasi sabi nga nila every setback is a setup. Eh ang dami ko ng setback so setup na setup na ako. I’m so ready. I still see love as the truest thing in the world, especially as I witnessed the love of my mom and dad. ‘Yung nanay at tatay ko grabe ang pagmamahalan nila, until the last breath na-witness ko. I know it’s real, I know it’s true and I know it’s out there and I will wait until it’s the perfect one for me,” ani Roxanne.

“Excited na excited ako sa pagmamahal na ibibigay ko sa the one and I have faith,” dagdag ng aktres.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*