Home / Sports / SEA Games: DOTA 2, Mobile Legends winners na Malaysians, may libreng pizza ng 10 taon

SEA Games: DOTA 2, Mobile Legends winners na Malaysians, may libreng pizza ng 10 taon

TNC Pro’s Raven, Timz, 1437, Kuku, and Sam_H compete in a weekend match. Mark Demayo, ABS-CBN News

“Show the world that Malaysian e-sports athletes are a force to be reckoned with!”

Ito ang hamon ng isang sikat na pizza company sa Malaysia sa mga online gamer o manlalaro ng kanilang bansa na nakatakdang lumahok sa 2019 Southeast Asian Games e-sports competitions na gaganapin sa Pilipinas. 

Sakaling mag-uwi ng gintong medalya, nangako ang Domino’s Pizza Malaysia na makakatanggap ang mga atleta ng libreng pizza sa loob ng 10 taon bilang kapalit sa karangalang kanilang iuuwi.

Sa kanilang Facebook post, sinabi ng kompanya na buo ang kanilang suporta sa mga taga-Malaysia na tatangkaing manalo sa limang events na nakataya sa e-sports sa SEA Games kabilang ang Arena of Valor, Mobile Legends: Bang Bang, Dota 2, StarCraft II, at Tekken.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maisasama ang online games bilang medal sport sa biennial event sa Asya. 

Sa mga mag-uuwi naman ng pilak na medalya, makakatanggap din sila ng limang taong suplay ng pizza, habang dalawang taong libre naman ang mga pupwesto sa tansong medalya. 

Base sa post ng Domino’s Pizza, isang regular pizza kada linggo ang makukuha ng bawat miyembro nang mananalong grupo mula sa kanila. 

Samantala, unti-unti na umanong nakikilala ng mga sikat na brands sa mundo ang halaga ng e-sports, ayon sa kay Aaron Chua sa kaniyang panayam sa South China Morning Post.

Aniya, kinikilala na ngayon ng mga sikat na produkto sa mundo ang online games dahil na rin target ng karamihan na makuha ang mga kabataan. 

“It goes to show that the brand understands the current trend in the youth demographics. Ten years worth of pizza would motivate these players pretty well, but I’m not sure if these players would binge on pizzas everyday,” kuwento ni Chan na dumalo sa PUBG Mobile Club Open 2019.

Sinusubukan nang ikonsiderang isali ang e-sports sa Olympics ngunit ayon sa pangulo ng International Olympics Committee na si Thomas Bach tanging ang mga non-violent online games ang maaaring maipasok sa Olimpyada. 

Para sa iba pang balitang pampalakasan, pumunta sa website ng ABS-CBN Sports.
 

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*