Home / Entertainment / Shaina Magdayao, gagawa ng pelikula sa direksiyon ni Lav Diaz

Shaina Magdayao, gagawa ng pelikula sa direksiyon ni Lav Diaz

Ibinahagi ng aktres na si Shaina Magdayao na gagawa siya ng isang pelikula sa direksiyon ng premyadong direktor na si Lav Diaz.

Ito ay matapos ang kanyang pagganap sa papel na Camille sa teleseryeng “The Better Half.”

“Next week, I am leaving for Singapore and I’m going to do a movie with direk Lav Diaz,” aniya.

Dagdag pa ng aktres, inakala niyang makakapagpahinga pa siya bago siya muling sumabak sa trabaho.

“Akala ko po ako ay magbabakasyon at magpapahinga,” ani Shaina.

Bukod sa kanyang busy schedule sa showbiz, abala rin si Shaina sa Smile Cares Foundation.

Paliwanag ni Shaina, matagal nang nasa puso niya ang pagsisilbi sa ibang tao.

“I’ve always had this calling for service. And at that time, that was four, five years ago, parang ina-associate ko ang service sa pagmamadre,” aniya.

Nasa huling 12 episodes na lamang ang “The Better Half.”

Let’s block ads! (Why?)

Entertainment

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*