Home / Entertainment / SILIPIN: Mga eksena sa ika-3 pagtatanghal ni Mariah Carey sa Pinas

SILIPIN: Mga eksena sa ika-3 pagtatanghal ni Mariah Carey sa Pinas

Hindi binigo ng global music legend na si Mariah Carey ang kaniyang Pinoy fans na dumagsa sa kaniyang sold-out concert sa Araneta Coliseum noong Biyernes.

Mapa-dance hit o ballad ng superstar, hindi nahiyang maki-sing along kay Carey ang kaniyang fans, na binansagang "Pinoy Lambs."

Kasama sa mga inabangang kantahin ni Carey ang kaniyang hit song na "Emotions," kung saan patok ang kaniyang signature whistle style o pagbirit ng mga matataas na nota na tila sumisipol na.

Masuwerte pang kinantahan at niyakap ng mang-aawit ang isang fan.

Ito na ang ikatlong pagbisita sa bansa ni Carey, na huling nag-concert noong 2014.

— Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*