Home / Business / Singil ng Maynilad at Manila Water, bababa simula Abril 1

Singil ng Maynilad at Manila Water, bababa simula Abril 1

Magkakaroon ng bawas sa singil ng tubig ang Maynilad at Manila Water simula sa Linggo bunsod ng galaw sa palitan ng piso kontra dolyar, ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System.

Nasa P0.04 ang bawas ng Manila Water sa kada cubic meter ng tubig habang P0.01 naman sa kada cubic meter ng Maynilad.

Para sa mga kabahayang kumokonsumo ng 20 cubic meter, katumbas ang bawas-singil ng P0.23 sa Maynilad at P0.45 sa Manila Water.

Kapag 30 cubic meter, P0.46 naman sa Maynilad habang P0.91 naman sa Manila Water.

— May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Business

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*