Home / Business / Singil sa gasolina tataas, diesel bababa simula Oktubre 15

Singil sa gasolina tataas, diesel bababa simula Oktubre 15

    
MAYNILA — Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng gasolina sa Martes, pero bababa naman ang singil sa kerosene at diesel, ayon sa mga taga-industriya.
 
Tinatayang galaw sa presyo ng petrolyo:
• Gasolina → P0.20-P0.30/litro (dagdag)
• Kerosene → P0.35-P0.45/litro (bawas)
• Diesel → P0.00-P0.10/litro (bawas)

Maglalaro sa P0.20 hanggang P0.30 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina.

Pero ang diesel, posibleng walang galaw o magkaroon ng rollback na P0.10 kada litro.
    
Ayon sa mga taga-industriya, ang dahilan ng pagtaas ng presyo sa gasolina ay bahagyang pagsikip ng suplay sa Asya kasunod ng maintenance shutdown ng maraming oil refineries.

Nabawasan din daw ang imbentaryo ng gasolina ng US kaya umakyat ang presyo sa international market.
    

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*