Home / Entertainment / 'Sobrang galing!': Celine Dion, di binigo ang Pinoy fans sa unang concert

'Sobrang galing!': Celine Dion, di binigo ang Pinoy fans sa unang concert

Hindi binigo ng Grammy Award-winning singer na si Celine Dion ang kaniyang Pinoy fans sa sold-out concert niya nitong Huwebes ng gabi.

Mapa-fans, celebrities, o music lovers, napa-sing along sa birit hits ni Dion.

Opening pa lang, hataw na agad sa performance ang Canadian artist.

Ilan sa mga kinanta niya ang "To Love You More," "It’s All Coming Back To Me Now," at "Because You Loved Me."

Pero ang pinaka-highlight ng gabi ay ang pagkanta niya ng "My Heart Will Go On" na patok na patok sa mga karaoke sessions ng Pinoy. 

CELEBRITIES NAKIBIRIT

Ilang celebrities din gaya nina Erik Santos, Bianca Manalo, at Anabelle Rama ang present sa concert ni Dion.

Lubos namang humanga si Santos kay Dion. 

"Sobrang galing niya, sobrang galing," maikling pahayag ni Santos.

Spotted din sa concert sina Claudine Barretto, Robi Domingo, at ang It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda, Mariel Padilla, at Amy Perez-Castillo.

May second night ang concert ni Dion ngayong Biyernes at tulad ng nakaraang gabi ay tiyak mapupuno muli ang concert venue.

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Entertainment

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*