Home / Lifestyle / SUV nadaganan ng truck sa Batangas; 3 sugatan

SUV nadaganan ng truck sa Batangas; 3 sugatan

Kuha ng 7-Eleven-Tambo, Lipa City

LIPA CITY, Batangas — Sugatan ang 3 katao matapos madaganan ng isang truck ang isang SUV sa intersection ng JP Laurel Highway at Tambo-Exit ng Star Tollway sa lungsod na ito, Sabado ng gabi.

Sugatan ang 2 sakay ng SUV at ang driver ng truck na si Arnel Alaban.

Ayon sa pahinante nito, ihahatid sana nila sa Sta. Rosa, Laguna galing Calaca, Batangas ang kargang 20-toneladang trigo nang pumalya ang preno ng truck.

Iniwasan umano ng truck driver na bumangga sa maraming sasakyan. Bukod sa SUV, nahagip ang isang nakaparadang e-trike.

Ayon sa punong barangay ng Tambo, accident-prone ang lugar kaya naglagay sila ng barriers sa unahan ng intersection para maiwasan ang mabilis na pagpapatakbo ng mga sasakyan.

Tumagal ng 3 oras ang rescue operation dahil umano sa kakulangan ng rescue equipment.

Nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng truck na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries at damage to properties. 

— Ulat ni Jonathan Vega Magistrado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*