Home / Lifestyle / SUV nahulog mula sa ika-3 palapag ng mall

SUV nahulog mula sa ika-3 palapag ng mall

MANILA — (UPDATED) Sugatan ang driver ng isang sports utility vehicle matapos itong bumagsak mula sa ikatlong palapag ng isang shopping mall sa Greenhills, San Juan ngayong Linggo.

Ayon sa pulisya, paparada sana sa parking area ang sasakyan nang bigla itong umarangkada hanggang tumama sa bakal na railing at mahulog sa ground floor, dakong alas-10 ng umaga.

Unang tumama sa lupa ang harapan ng sasakyan kaya napabaligtad ito.

Bukod sa driver, wala namang ibang nadamay sa aksidente.
 
Inaalam pa kung human error o pagkukulang sa gusali ang sanhi ng insidente.

Nakipag-ugnayan na rin ang pulisya sa management ng mall.

Nakakordon pa rin ang pinangyarihan ng aksidente at hindi pa inaalis ang sasakyan habang iniimbestigahan ito.

Normal naman ang mall operations hanggang sa mga oras na ito.

Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*