Home / Sports / Trainer ni Lucas Matthysse: KO na pagkatalo noon, di mauulit kontra Pacquiao

Trainer ni Lucas Matthysse: KO na pagkatalo noon, di mauulit kontra Pacquiao

Ayon sa trainer ni Lucas Matthysse, handa na sila sa anumang game plan ni Manny Pacquiao. Wendell Alinea, MP Promotions

KUALA LUMPUR—Tatlong taon matapos gulantangin ni Viktor Postol ng Ukraine sa ibabaw ng ring, sisiguraduhin ng kampo ni Lucas Matthysse na hindi ito mangyayari kapag nakaharap na ng Argentinean boxer si Manny Pacquiao.

Noong Oktubre 2015, ginulat ni Postol ang mundo nang patumbahin si Matthysse, paboritong manalo sa bakbakan, sa 10th round ng kanilang laban.

Ngunit para kay Joel Diaz, trainer ng nagdedepensang si Matthysse, hindi na mauulit ang bangungot ng nakaraan.

"Postol is a different fighter than Manny Pacquiao. Pacquiao is faster. A lot of people don't understand that Manny Pacquiao is very energetic," ani Diaz sa ABS-CBN News.

Pero ayon sa kaniya, napag-aralan na nila ang kilos ni Pacman lalo pa't dalawang buwan nilang tinutukan sa ensayo ang istilo at galaw ng Pambansang Kamao.

Hindi rin sumang-ayon si Diaz sa sinabi ni Marvin Somodio, ang Pinoy cornerman ni Postol nang harapin si Matthysse, na hirap sa pressure fighter ang 36-anyos na boksingero.

"The thing is this, every fighter is different, different styles. Everything comes based on the preparation in the gym," ani Diaz.

Kuwento ni Diaz, iba't ibang klaseng paghahanda ang ginagawa ng isang boksingero depende sa magiging kalaban nito. Kaya naman may babala rin siya kay Pacquiao.

Paalala niya, mabilis man si Pacquiao pero kapag natiyempuhan ito ni Matthysse, magbabago ang takbo ng laban.

"I can tell you from my experience, Lucas Matthysse in every sparring session he had I brought Olympic fighters — fast, young fighters to spar with him. He was hurting every fighter," paglalahad ni Diaz.

Inamin niyang malakas si Pacquiao lalo na noong panahong mas bata pa ito ngunit iba na raw ang kilos nito ngayong nagkaka-edad na sa boksing.

"Now, almost 40 years old, there's a big difference. Believe me. Youth is a big difference. Age is a big difference," paliwanag ni Diaz.

Ayon din sa kaniya, magandang laban ang aasahan sa Linggo; bakbakan sa pagitan ng bilis at lakas. Ngunit kumbinsido si Diaz kung sino ang magwawagi.

"In the exchange of punches, Manny Pacquiao gonna feel power. And we'll see how he reacts," dagdag ni Diaz.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Sports

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*