Home / Lifestyle / Tricycle driver patay sa pamamaril sa Iloilo

Tricycle driver patay sa pamamaril sa Iloilo

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang pagpatay sa isang tricycle driver sa Iloilo City. Hernani Escullar Jr., ABS-CBN News

ILOILO CITY – Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng mga suspek na lulan ng motorsiklo sa Villa Hermosa Subdivision, Lopez Jaena Sur sa La Paz dito, Sabado ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ely Tipanan, 38, residente ng Barangay Baldoza.

Ayon sa ulat ng pulisya, inabangan umano ng riding-in-tandem ang biktima sa gate ng subdivision at pinagbabaril.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

– Ulat ni Hernani Escullar Jr., ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*