Home / Lifestyle / 'Truck holiday, halos walang epekto sa operasyon ng pantalan'

'Truck holiday, halos walang epekto sa operasyon ng pantalan'

Nagsimula na ngayong Lunes ang anim na araw na "truck holiday" o pagtigil ng biyahe ng grupo ng mga trucker at broker bilang protesta sa pagsikip sa Manila port at panukalang palitan ng mga mas bagong sasakyan ang mga lumang truck.

Pero ayon kay Jay Santiago, general manager ng Philippine Ports Authority (PPA), halos hindi raw nakaapekto ang pagkilos sa operasyon sa pantalan.

"In fact, mahigit 80 to 90 percent ng mga trucker natin ay tuloy pa rin ang pagkuha at pagkaon ng mga kargamento kaya 'di naman tayo naapektuhan," sabi ni Santiago.

Layunin ng protestang ikinasa ng Inland Haulers and Truckers Association na maiparating sa gobyerno ang ikinababahala nilang phase-out ng mga truck na may edad 15 taon at pataas, at ang pahirapan na pagpasok sa pantalan ng Maynila dahil sa hindi nakukuhang mga empty container.

Nasa halos 100 truck at mga pribadong sasakyan ang umikot at bumusina noong umaga ng Lunes mula sa pantalan ng Maynila hanggang sa opisina ng PPA.

Nagdulot ang pagkilos ng pansamantalang pagsikip ng daloy ng trapiko sa Road 10.

Para kay Teddy Gervacio, pangulo ng Inland Haulers and Truckers Association, tagumpay ang unang araw ng protesta.

Ayon naman kay Mary Zapata, pangulo ng Aduana Business Club Inc., 20 porsiyento na lang ng mga truck sa buong bansa ang mananatiling operational kapag itinuloy ang phaseout sa mga truck, na nakatakdang simulan sa Enero 2019. 

Ayon kay Zapata, hindi edad kundi roadworthiness o iyong kakayahan ng sasakyan na makabiyahe nang ligtas ang dapat batayan kung papayagang bumiyahe ang truck.

'WALANG BASEHAN'

Ayon kay Santiago, walang basehan ang ipinaglalaban ng grupo at mali rin ang ahensiya kung saan nila idinudulog ang kanilang mga reklamo.

Hindi raw dapat PPA ang kausapin ng mga trucker sa problem sa mga empty container sa pantalan kundi ang mga shipping line. 

Ayon pa kay Fernando Juan Perez, assistant secretary for Maritime sa Department of Transportation, mas makakasama pa sa mga driver ang ginagawa nilang protesta.

"'Pag sinabi ng mga truck owners na 'wag sila (drivers) pumasada, ano ipapakain nila sa pamilya nila?" sabi ni Perez. — May ulat nina Jacque Manabat, Jekki Pascual at Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*