Home / Lifestyle / Van, inararo ang 6 na nakaparadang sasakyan sa QC

Van, inararo ang 6 na nakaparadang sasakyan sa QC

MAYNILA – Wasak ang harapan at likurang bahagi ng 6 na sasakyang nakaparada sa gilid ng Eugenio Lopez Drive, Quezon City matapos araruhin ng isang van Sabado ng madaling-araw. 

Ayon sa mga may-ari ng sasakyan, kumakain sila sa mga kalapit na establisimyento nang sabihan ng mga parking boy na binangga ang kanilang mga sasakyan ng isang silver na Starex van.

Kuwento ng isang testigo, agad na humarurot ang van matapos ang aksidente.

Pero nahuli rin ito pagdating sa Quezon Ave. matapos maipaalam sa mga awtoridad na nakapuwesto sa lugar.

Paliwanag naman ng drayber ng van, nawala ang gulong sa harapang bahagi ng kaniyang sasakyan. 

Giit pa niya na ilegal na nakaparada ang mga inararong sasakyan. Inamin naman niya na nakainom siya.

Bahagya namang nagdulot ng katamtamang bigat ng daloy ng trapiko ang aksidente habang dinala na sa Quezon City Traffic Sector 4 ang drayber ng van para imbestigahan. – ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*