Home / Lifestyle / VIRAL: Lolong may bulaklak, pagkain para kay misis

VIRAL: Lolong may bulaklak, pagkain para kay misis

SARRAT, Ilocos Norte – Nagviral sa social media ang larawan ng isang mister na may bitbit na bulaklak at pagkain para sa kaniyang misis habang nakaupo sa likuran ng pampasaherong jeep.

Kinilala siya bilang si Alejo Padulip, 73. Kwento niya, kasama niya sa jeep ang kaniyang misis na si Norma at bunsong anak na si Noel.

Galing daw sila sa isang mall at kainan para isorpresa noong Mother’s Day ang kaniyang asawa ng 51 taon.

“Mahalaga kasi siya sa akin,” ani Alejo.

Kasabwat niya sa araw na ‘yun si Noel.

“Iniwan kami ng tatay ko at bumili siya ng bulaklak,” aniya.

Ayon kay Norma, simula pa lang ay puno ng sorpresa ang kaniyang asawa na nagpapatibay sa kanilang relasyon.

“Napapaluha naman ako kasi mabuti kaming pamilya,” aniya.

Ayon kay Alejo, walang katumbas ang tiyaga at pagkamaintindihin ni Norma sa kanilang pamilya na susi rin sa tagumpay ng kanyang mga anak.

Patunay siyang isang ulirang ina na dapat kinikilala ang kabayanihan araw-araw.

Nakakuha ng mahigit 50,000 reactions at 90,000 shares ang Facebook post ni Jay Laurence Agoniassa noong Linggo, Mother’s Day.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*