Home / Lifestyle / ‘You cannot escape’: P1-M pabuya alok ni Isko vs nagnakaw sa bangko sa Binondo

‘You cannot escape’: P1-M pabuya alok ni Isko vs nagnakaw sa bangko sa Binondo

MAYNILA (UPDATE) – Nag-alok na ng P1-milyong pabuya si Manila Mayor Isko Moreno para sa ikadarakip ng tinatayang 7 suspek na nanloob sa sangay ng Metrobank sa Binondo, Maynila Huwebes ng umaga.

“I am now offering P1 million for the arrest of these at least 7 suspects na kinuha ‘yung CCTV ng bangko but as per information, the Manila Police District already have a copy of the CCTV from the barangay,” sabi ni Moreno sa isang pahayag.

Pinasok ng mga kawatan ang sangay ng bangko na matatagpuan sa Sto. Cristo Street, alas-8:40 ng umaga, ayon sa pulisya.

“Hahanapin po namin kayo. Hindi namin kayo bibigyan ng kapanatagan. Hindi namin kayo papayagan na guluhin, perwisyohin ang mamamayan ng lungsod ng Maynila,” sabi ni Moreno.

Inutusan ni Moreno ang mga awtoridad na habulin ang mga suspek at “dalhin natin sila sa mata ng batas, papapanagutin natin sila.”

“Again, you cannot escape the long arm of the law,” aniya.

Samantala, kinondena naman ng Metrobank ang insidente at sinabing walang kliyente ang naapektuhan at maging lahat ng kawani nito sa sangay ay ligtas.

“We will be working closely with the Philippine National Police (PNP) and other authorities to ensure that the perpetrators are apprehended,” ayon sa Metrobank.

Dumating na sa lugar si Manila Police District Chief Vicente Danao Jr.

Ayon sa mga saksi, nakasuot ng uniporme na pang-security guard ang mga kawatan.

“Nakita na lang namin ‘yung motor nila rito, nung dalawang security guard, kinuha nila rito natataranta, nagmamadali,” kuwento ng isang lalaking testigo.

Dagdag niya na kapwa naka-helmet ang mga ito at sakay ng motorsiklong walang plaka.

“After three minutes, may sumisigaw na sa harap ng bangko na hinoldap po daw ‘yung bangko,” sabi niya.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*